Monday, March 17, 2008

...ice breaker...

Sobrang busy nitong mga nakaraang linggo kaya walang blog... Pero finally, I have one experience worth blogging...ang aking muling pagsugod sa ice skating rink. This time, sa MOA naman para naman matry ko.

Hindi naman ako ganun ka-inutil sa ice skates...I've tried twice with my boyfriend. Pero compared to him, talagang hindi ako marunong. Nung Megamall days pa, ilang pasa at ilang semplang ang inabot ko. Kaya this time, sabi ko sa sarili ko I'll take formal lessons na. Excited talaga ako bumalik sa rink. 250 for 2 hours of skating and 150 for 30-minute introductory lessons is not bad at all. Mas maganda din ang rink at ang facilities sa MOA unlike sa Megamall:

  • Barcode and entry at exit system
  • May shoe size indicator at nalaman ko na 4 lang ang size ko sa skating shoes eh 6 ang kinukuha ko sa megamall.
  • May bilihan ng food sa loob
  • Libre ang helmet na LATE ko na nalaman!
  • Olympic-size ang skating rink at walang poste na nakaharang sa gitna
Bad timing nga lang ng pumasok kami. Sakto na nilinis ung rink which already took about 30 minutes...sayang sa time! Ayun, mabait naman si kuya instructor ko. Although, wala cyang ginawa kundi makipag-kwentuhan sa friend niya. Kahit papano may mga natutunan naman ako...Here's a recap:

  • Kapag nao-off balance ka, bend your knees and slightly bend your back while you are holding your knees
  • stretch out your hands para mabalance mo ang sarili mo
  • dapat papunta sa side kapag gina-glide mo ung skates para di ka matapilok
Medyo masakit lang sa talampakan ang skates lalo na para sa mga flat-footed tulad ni bf. At siyempre, nagkaroon ako ng pasa sa may binti ko dahil sa shoes. Less than 2 hours of skating and 2.5 falls (hahaha! may .5 pa tlga!) but its all worth it! Here are the pics!